How to pray like Jesus? Minsan naiisip natin na “eh si Jesus na yun e, syempre ibang level yun!” Pero hindi! While he was still on the earth, though he is 100% God, siya rin ay 100% man. Kaya sa pagiging tao niya, binigyan niya tayo ng examples na pwede nating gayahin. Kasama na dito ay kung paano siya manalangin.
Pansin niyo ba na kung sino ang madalas nating naririnig at nakikita, nagiging katulad natin sila kahit di natin sinasadya? May mga kakilala tayong kapag nag-pray ay ang pormal pakinggan. May iba naman na may pattern na ang panalangin. Predictable. May mga nagpe-pray na paulit-ulit ang salitang Panginoon. Iba-iba tayo ng paraan ng panalangin – at usually nakukuha po natin yan sa mga nagturo sa atin, sa mga pinaggayahan natin.
Minsan ganito ako mag-pray… “Lord, di po ba sinabi niyo… kaya ganun nga po ang pinanghahawakan mo, kasi sabi mo po e. Kasi promise mo po yun. Di po ba, Lord?” Na-adapt ko yan sa pastor ko na ganyan din manalangin.
Anuman ang porma at paraan ng ating panalangin, ang mga ito ay panlabas lang. Ang pinakamahalaga ay kung ano ang laman ng ating puso at ang ating motibo tuwing tayo ay nagpe-pray.
Pero kung may dapat man tayong gayahin sa panalangin, ito ay walang iba kundi si Jesus. How to pray like Jesus?
Pray Alone
Pero pumupunta siya sa liblib na lugar para mag-pray. – Luke 5:16
Maraming pagkakataon na nananalangin si Jesus na mag-isa. Hindi siya loner, pero alam niya ang kahalagahan ng alone time with the Lord. Bakit kailangan natin ng oras para manalangin mag-isa? Dahil mas kaya nating maging totoo sa ating sarili kapag tayo lang dalawa ng Panginoon ang magkausap. Hindi natin kailangang ma-conscious, hindi natin kailangang magpanggap. Magagawa nating sumigaw, umiyak, tumawa, mag-pray in the Spirit, o kaya ay to be still in His presence.
Kahit gaano ka-busy ang schedule niya, kahit marami siyang kasama madalas, talagang nagpapakalayo-layo siya para makahanap ng lugar para manalangin. Tayo kaya? Hindi kagaya sa panahon ni Jesus, hindi pa dikit-dikit ang mga bahay, at marami pang mga liblib na lugar para puntahan. Ngayon pag sinabing liblib, nakakatakot. Possible ba ito sa panahon ngayon na mahirap mapag-isa?
Si Susanna Wesley ay may 19 na anak, though 10 lang ang nag-survive at lumaki, kabilang na si John and Charles Wesley. Sa 10 na anak, imagine ang dami niyang inaasikaso. Pero alam niyo kung paano siya nakakapanalangin? Uupo lang siya sa upuan, tapos yung apron niya ipapandong niya sa ulo niya at mukha habang ang mga anak niya ay naglalaro, nag-aaral, o nagbabasa.
Like Jesus, we can strive to be alone in prayer even in our busyness.
Pray with Others
Mga eight days pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga ito, sinama niya sa bundok sina Peter, John, at James para mag-pray. – Luke 9:28
Hindi lang siya nananalagin mag-isa, nananalangin din si Jesus kasama ng iba. Sa passage na binasa natin, ang kasama niya ay sina Peter, John, at James. Pero for sure nakakasama din niya magpray ang mga disciples, at ang ilan sa mga taong nakakasalamuha niya.
May power sa individual prayer, at may power din sa corporate prayer. Nakakapagpalakasan kayo ng pananampalataya. Hindi assurance na mas tutugunin ng Diyos ang panalangin kapag marami ang nagpepray, pero ang sabi ng Bible, “God inhabits the praises of His people.” Gusto ng Diyos kapag nagkakaisa tayo sa panalangin at natutuwa siya kapag tayo ay sama-samang nakikipag-fellowship sa kanya – sa kabigatan man o kasiyahan. May bunga ang ating pananalangin nang sama-sama.
Pray for Others
“Pero pinag-pray kita para hindi manghina ang pananalig mo.” – Luke 22:32
Kapag nananalangin si Jesus, hindi niya nalilimutan na ipag-pray ang ibang tao. His heart beats for people around him. Hindi siya naka-focus sa sarili lang niyang mga pangangailangan, kundi para din sa kapakanan ng ibang tao.
Do we pray for others? If we want to pray like Jesus, we have to always include others in our prayers. Wag natin silang kalimutan. Sino ba yung mga others na yun?
We pray for our family and friends. Syempre di sila mawawala. We pray for those in the authorities, kahit sa mga taong hindi natin type. We also pray for our enemies. Even those we don’t know yet. We pray basically about everybody because Jesus cares for everybody!
Pray Regularly
Lumabas ng city si Jesus at pumunta sa Mount of Olives, gaya ng nakasanayan nya. Sumama sa kanya ang mga disciples. – Luke 22:39
Not only did Jesus prayed for people, he also prayed regularly. Ang sabi ng verse, as was his custom – kagaya ng nakasanayan niya. Ibig sabihin, hindi lang paminsan ang prayer niya. Hindi lang kapag may kailangan, hindi lang kapag may sakit, hindi lang kapag malungkot. Bahagi ng buhay niya ang panalangin. Buhay niya ang panalangin.
How regularly do we pray? This is a reminder to all of us that if we want to pray like Jesus, dapat handa tayo sa schedule na meron siya. There is even a verse that says he pray very early in the morning (Mark 1:35). Habang madilim pa at tahimik pa ang paligid. Ang bottom line po ay gawin nating regular. Dahil katulad ng anumang klase ng relasyon, lumalago lang kapag regular na may komunikasyon.
Pray Before Making Decisions
Nung time na yun, umakyat si Jesus sa bundok para mag-pray. Magdamag syang nagpray sa Diyos. Kinaumagahan, tinawag nya ang mga disciples. Pumili siya ng 12 sa kanila at tinawag nya silang
mga apostles. – Luke 6:12-13
Si Jesus, bago gumawa ng anumang desisyon, kino-konsulta muna niya ang Ama. Hindi siya basta basta gumagawa ng hakbang kasi alam niya na ang karunungan ay nagmumula sa Diyos. Katulad na lang sa pagpili niya ng mga disciples niya. Hindi porket sumunod sa kanya ay bibigyan na niya ng posisyon. Hindi porket naisip niya ay gagawin na niya agad. Hinihingi muna niya ang approval ng kanyang Ama.
Do we include God in our decision-making? O sabak muna tayo tapos bahala na si Lord sa kahihinatnan? Hindi pwedeng bahala na si Batman. Dapat isangguni muna kay Lord. Marami sa mga luha natin ay dahil hindi natin sinasama si Lord sa simula, tapos sisisihin natin siya sa huli. Katulad ni Jesus, we should pray before we make decisions. Dahil kapag kasama natin siya sa plano, kasama natin siya sa proseso, at makasisigurong kasama natin siya hanggang dulo.
Pray for God’s Will
“Tatay, please, kung pwede po, wag ko nang maranasan ang paghihirap na to. Pero dapat mangyari ang gusto mo, hindi yung gusto ko.”
– Luke 22:42
Ito na yata ang pinakamahirap na bahagi ng panalangin ni Jesus. Sinurrender niya ang lahat ng kanyang kagustuhan para sa kagustuhan ng Ama. Hindi niya ito ginawa para pasakitan ang sarili, kundi dahil nagtitiwala siya na ang plano ng Diyos ay higit na mabuti at maganda kaysa sa anumang kayang abutin ng ating isip at kakayahan.
Imagine if pinili ni Jesus na masunod ang gusto niya kaysa sa plano ng Diyos, hindi tayo makakatanggap ng kaligtasan. Subalit dahil handa siyang magpasakop sa kagustuhan at plano ng Diyos, tayo ay tumanggap ng walang kapantay na biyaya.
If we want to pray like Jesus, we should be willing to answer these questions: handa ba tayong magpasakop sa kagustuhan niya? Ready ba tayo sa mga tugon niya na maaaring hindi natin magustuhan, o malayo sa ating inaasahan? Sa mga prayers natin, let us pray for God’s will.
Pray in Confidence that God Hears You
Pagkatanggal ng bato, tumingin si Jesus sa langit at sinabi, “Tatay, salamat at pinapakinggan mo ako.” – John 11:41
Sigurado si Jesus na pinakikinggan siya ng Diyos tuwing siya ay nananalangin. Pero let’s make this clear. Ang assurance ay pinakikinggan ng Diyos ang panalangin natin, hindi ang ibigay ang anumang gustuhin natin. Ang Diyos ay hindi isang vending machine na maghuhulog ka lang ng pera, lalabas na kung ano ang gusto mo.
Pero makakaasa tayong pinakikinggan niya tayo. Alam niya ang bawat hikbi, kita niya ang bawat luha, ramdam ang bawat sakit. Hindi rin lingid sa kanya ang pinakadesire ng puso natin at kung ano ang laman ng isip natin.
Alam ni Jesus na naririnig ng Diyos ang panalangin niya at hindi lang ito tumatalbog sa kisame. Dahil dito, malaya siyang nakakapagpahayag ng kanyang mga saloobin. At dahil kilala niya ang Diyos, may confidence siya na lumapit bilang anak.
Tayo ba, confident din bang lumapit sa Diyos? Alam ba nating naririnig niya ang lahat ng ating mga panalangin?
Ganito manalangin si Jesus. Pito lang ito, pero maaaring may maidadagdag pa tayo. Simple lang ang mga ito. Kung matututo tayong manalangin katulad ni Jesus, magiging mas malago ang ating relationship kay Lord. At iyan ang desire nating lahat.
Points taken from 7 Steps to Pray like Jesus by Brenda Pace
soi kèo phạt góc hôm nay giúp người chơi phân tích và dự đoán chính xác các tình huống phạt góc trong trận đấu.